Akala

Sa pag-ibig may masaya at may malungkot
Akala mo kasi siya na pero hindi pala
Akala mo magiging masaya ang relasyon niyo
pero lahat lang pala ay akala lang
Para siyang babol gam
Sa una lang matamis ang relasyon niyo
pero nang tumatagal nawawala na ang tamis
nung nagsawa na, itinapon ka nalang
Ikaw naman, pilit mong hinahabol
Alam mo para kang namamangka sa kalsada
alam mo naman wala namang mangyayari pero pinipilit mo parin

Bukod sa napapagod kana nagmumukha ka pang tanga


Pagmahal ka, di ka sasaktan
, hindi ka pagsasawaan
At ang pinaka-importante, hindi ka iiwan.
Pero iniwan ka.
Kaya mapapatanong ka nalang sa sarili mo,
“Minahal ba niya talaga ako?”
Kaya ngayon natatakot kana
Takot kanang umibig ulit
Takot kanang masaktan

Kasi may mga taong darating sa buhay mo pero hindi mananatili sa buhay mo

Pero tandaan mo bes, lahat may dahilan

Pag pagod kana, magpahinga ka lang wag kang susuko.

Advertisements